Pag nanghiram ng costume pakibalik sa may-ari
Ang nagiging isyu rin sa cosplay community ay yung mga taong manghihiram lamang ng costume di pa ibabalik na halos angkinin nila kasi doon sila nakilala o kaya nanalo sila dahil sa costume na yon, isipin nyo nga mga ate at kuya kung gaano kahirap sa kanila yung gumastos o maghanap ng materyales paggawa lang ng magandang costume at pagpupuyat sa maghapon para matapos yon.
May isa akong friend na cosplayer na itatago natin sa pangalang Mia na gumawa ng costume para sa susunod na convention, isang beses nanalo siya at nagamit niya yong ng limang beses ,hanggang may nakilala kami na bagong kaibigan na itatago natin sa pangalang Jema nagpakilala na galing siya sa anime club ng isang university at isa siya sa mga officer na nagorganize ng club nila kung saan gumagawa rin sila ng cosplay event, noong simula dinededma na namin hanggang sa nakuha na namin ang loob namin sa kanya dahil maraming alam sa anime lalo na pare-pareho kami na mahilig sa Naruto at Bleach.
Simula noon naging parte siya sa grupo namin, wala siyang ginawa kundi magdaldal tungkol sa anime na halos siya ang laging nagpapabida sa amin na kahit minsan iniiwasan na namin ang kwento niya kasi ang karamihan hindi na totoo ang mga sinasabi niya para masabi na magaling siya sa club niya, may time na nakaaway to ng isang kaibigan ko dahil yung mga pinapakitang gilas niya hindi na maganda at wala na rin sa lugar.
Pagkatapos gamitin ni Mia yung costume niya ng limang beses, lumapit si Jema para pakiusapan na pwede ba niya hiramin ang costume niya para sa cosplay event nila sa school, dahil masyado mabait si Mia, binigay niya agad kasi si Jema raw ang pampagoodvibes, kaya ayan nakuha ni Jema ang gusto niya.
Sinuportahan namin yang event niya pati yung pagcosplay niya, halos si Jema di lang isang beses to nacosplay kung higit pa sa lima na dinaig pa niya si Mia, halos 2 taon niya ginamit habang si Mia iba na ang kinocosplay niya at may time na si Mia nagsend ng message kay Jema kung pwede nang ibalik yung costume kaso kinabukasan nagblock si Jema kay Mia pati kami dinamay, kaya kinabahan si Mia kung natangay na yung costume niya kasi siya mismo nagpagawa at nabayaran niya ng mahal tapos ganun lang.
Nagtry kami pumunta sa school niya kaso nagtanong kami sa maraming estudyante na hindi raw siya kilala hanggang sa may nakilala kami ng grupo ng mga magagandang estudyante at nakuha namin yung department ni Jema at di ko pala alam na binubully pala yon, kaya ang malas niya dadagdag kami sa pangbubully, kinabukasan nagpakita si Jema at di makasagot sa tanong namin , halos pinipigilan ko si Mia dahil sa galit niya habang umiiyak at gusto nang kaladkarin dahil di masagot kung saan ang costume niya, mabuti andun yung kuya niya na nakiusap sa amin and pagkalipas ng linggo naibalik kay Mia ang costume kaso puro mantsa, grabe talaga ang pagbuburara.
Kaya payo ko lang po kung manghihiram kayo siguraduhin niyong ibalik at wag maglamang sa kapwa kung ayaw mo maging trending o masabunutan o masaklap masapak sa cosplay convention.
Comments
Post a Comment