Masyado ka nang matanda para sa Cosplay
Sa tagal kong pumupunta sa mga cosplay conventions mula sa pagcocosplay at pagiging congoer mula bata pa hanggang sa nagtatrabaho na ako sa isang bangko, marami na akong nakilala na cosplayers na matagal na higit dalawang dekada na nagbibigay ng inspirasyon sa mga bagong nagcocosplay at may iba na ang tagal-tagal na wala nang ginawa kundi magsiga-siga at pabida tuwing cosplay events , ngayon sasabihin ko ang mga rason bakit masyado ka nang matanda sa cosplay para ipaalala sa iba na pag tumatanda ka na at wag manglaglag ng kapwa mong cosplayer:
1. Magcosplay ka para maging inspirasyon sa mga bago.
2. Kung may bagong mga cosplayers , tulungan mo sila at wag ihatak pababa.
3. Kung may pagkakamali ang bagong cosplayer kausapin ng maayos para maging mabuti at wag antayin sa event para kuyugin.
4. Magcosplay ka para iexpress mo yung character mo di yung bida-bida at paimpress ka sa event.
5. Kung may cosplayer na kaparehas ng kinocosplay mo , maging challenge to sayo para galingan mo ang pagcocosplay mo di yung pinagiinitan mo, sinisiraan mo at babantaan mo pa .
6. Kung sikat kang cosplayer maging role model ka naman bilang leader hindi yung bossy na akala mo ikaw na ang may-ari ng event.
7. Kung alam mo may nagcocosplay na tipid sa paggawa ng costume imbes na laitin, tulungan nyo at bigyan ng payo at hindi pinapahiya
8. Kung may pagkukulang ang isang cosplayer lalo na yung bago, kausapin nyo maiigi at ipamukha sa kanya yung pagkakamali para itama niya imbes na bugbugin nyo sa event , kayo pa sasagot ng pangmedical pag lumala pa yan.
9. Sa tagal mong magcosplay , gawin mo tong motivation sa iba lalo na sa kabataan para dumami ang cosplay community na friendly event at di yung kayo lang ang pabida sa event at tingin niyo sa mga bagong dating ay kaladkaring askal at pusakal.
10. Kung magcocosplay ka ng matagalan na higit dekada pa, wag kang umasta na ikaw ang may-ari at may-alam ng character na yon dahil ang mga characters na cosplayers ay ginawa yan ng mga original na creators ng Anime, gaming at live-action super heroes., at wag mo tratuhin yung ibang cosplayer na bobo.
11. Dahil mabilis ang takbo ng oras, hindi habang buhay andyan ka sa mga cosplay events kailangang mo rin seryosohin ang career life mo lalo na pag mag-aasawa ka na, pag may batang cosplayers turuan nyo ng mabuti at magbehave sa cosplay events, di yung bagong pasok nila tatakutin nyo na kayo ang matagal at kayo pa ang pabida sa event.
12. Kung nagbabago ang mga cosplay events ngayon at nagiiba ang mga ugali ng kabataan, ,aba intidihin mo na lang ang mga pagbabago kasi may rason ang mga yan para umayos ang event,payuhan niyo at wag niyo ilevel ang edad mo sa edad nila, matuto kang magpakakuya o magpakaate.
13. Di kayo masasabihang elitista kung pagdadamutan niyo ang event sa iba na gusto niyo kayo ang super star sa mga cosplay events at hindi magbigay daan sa iba lalo na sa mga bago.
14. Imbes na magrant ka na ang pangit ng cosplay events ngayon dahil sa mga cosplayers, intindihin mo na nagbabago ang mga kabataan ngayon, so ano ang gagawin? gabayan ng tama.
15. Di porket matagal na magaasta kang siga at tagapagtanggol ng naapi sa mga cosplay events, kasi pag oras na may kinuyog mo sa event ang pinagiinitan mo o may isyu ka sa tao at nalaman ng security na higit late 20's o masaklap pa 40 years old ka na, aba hiya hiya ka na lalo na kung wala kang disenteng trabaho at puro cosplay ang inaatupag mo.
16. Pag sasali sa mga cosplay competition maging friendly at sports ang ugali, hindi yung nakikipagpatayan ka sa mga competitions na gusto mo grandslam champion ka, tapos pag nanalo ang iba rant ka na sa social media at gagawa ka pa ng butas para ipahiya ang nanalong cosplayer.
17. Kung lumaki sa pagcocosplay lalo na spoiled brat ka na todo suporta ang mga parents mo sa pagcocosplay mo, alamin mo ang limitasyon mo kasi minsan pag tumatanda na matuto maging responsable at alamin mo na hobby lang yan at wag mong sagarin na icacareer mo yan na akala mo naman mapopromote kang maging manager.
18. Kung nawawala ka na sa kalendaryo, matuto kang maging matinong cosplayer , alam nyo naman mga ate at kuya ano ang tingin ng mga tao sa cosplayer lalo na sa community na isip-bata raw, patunayan natin na mas matino at professional tayo sa kanila.
19. Ipakita natin bilang isang cosplayer at congoers na friendly ang bawat cosplay events at di yung nagkukuyugan tayo sa event na dinaig mo pa ang batang inagawan ng candy.
20. Bilang Ate at Kuya sa mga event maging mabuting role model tayo sa iba, at di yung pasiga-siga , paere at pabida na halos inangkin nyo na ang event.
Comments
Post a Comment