Ano ba meron sa MNL48?
Last year pala tong MNL48 girl group na to, naalala ko pa Sexbomb Girls noong bata pa ako na parati kong sinasayaw tuwing Christmas, pero unahin muna natin to. Naalala ko pa yung audition na to sa Showtime para bumuo ng franchise ng AKB48 dito sa Pilipinas at namangha ako sa ganda at talent nila kaso sa sobrang dami nila may makikilala ko ba sila isa't-isa. Ito ang masasabi kong maganda at hindi maganda sa pagsali nila mula sa aking opinyon:
Like ko na:
1. Kumuha sila ng mga babaeng talented mula sayaw , kanta, pagmodel pati mga itsura
2. Maganda at mataas naman ang boses
3. Maganda ang training sa kanila para lalong galingan ang performance
4. One time na nakita ko sila sa isang mall show at masyado akong napahanga sa kanila
5. Maganda ang seguridad sa kanila sa event lalo na sa mga handshake event
Hindi ko like na:
1. Grabe naman ang higpit mula bawal jowa, pero sabi ng kaibigan ko , ganun ang Idol.
2. Minsan ang kinakanta nila kailangan tugma sa accent ng Hapon imbes na Pinoy pero minsan unawain natin yung cover song mula sa Japan
3. Yung mga lalake na tinatawag na Wota na di ko alam , ano ba intensyon nila? sumuporta o may pagnanasa?
4. Hindi po sa nilalahat mga kuya pero bakit yung mga kasama niyo kung umasta akala mo girlfriend na nila yung mga miyembro ng MNL48, di ba bawal yun?
5. Wala ba silang social media account dahil official page lang sapat na?
6. Sa sobrang higpit ang iba umalis.
7. Walang exposure sa ABS-CBN pero top 1 sa MYX , para kasi ang dating sa akin ng audition nila sa Showtime pantakip segment imbes na parati silang pinapakita, sana naman po ipakita sa lahat ng channel na pagmamay-ari ng ABS-CBN
8. Bansagan bang K-Pop , jusko po Bes hindi mo ba alam ang J-Pop?
Eto lang po ang masasabi ko, pero kung may maiishare kayo, pakicomment nalang po.
Comments
Post a Comment